Friday, April 22, 2011

GINISANG SITSARO

Mga Sangkap

3 grams na sitsaro
2 grams na karneng baka, hiniwang makitid
1 gram na atay ng baka, hiniwang makitid
1 sibuyas
3 butil na bawang
3 kutsarang toyo
2 kutsarang arina
1/2 kutsaritang asukal
Paraan ng Pagluto

1. Prituhin ang atay, Itabi. Isunod ang karneng
    baka. Itabi.
2. Igisa ang bawang at sibuyas. Isunod ang
    sitsaro pero iluto lang ng malasado.
3. Kapag nag-iba na ang kulay ng sitsaro ay ihalo
    ang piniritong atay at karneng baka.
4. Timplahan ng toyo at asukal.

ADOBONG KANGKONG




Mga Sangkap

1 tasa suka
4 ulo bawang, dinikdik
1 kutsara pamintang durog
1 kilo kangkong
1 katamtamang sibuyas, hiniwa
3 kutsara toyo
1 tasa panahong na baboy, hiniwa
1tasa tubig
asin
Paraan ng Pagluto

1. Hugasan at patuluin ang kangkong.
2. Igisa ang bawang, paminta, sibuyas, paminta,
    sibuyas at panahong na baboy hanggang
    pumula.
3. Dagdagan ng tubig at pakuluan hanggang
    lumambot ang panahog.
4. Idagdag ang kangkong at toyo. Ihalo ang suka
    kapag luto na ang kangkong.

ADOBONG PUSIT




Mga Sangkap

1/2 kilo maliit na sariwang mga pusit
1/2 tasa suka
10 ulo bawang, dinikdik
asin at paminta
1 katamtamang kamatis, hiniwa
ekstrang asin at paminta para pampalasa
1 kutsara betsin
Paraan ng Pagluluto

1. Linising mabuti ang pusit. Alisin ang
    malansang bahagi nito na nasa ulo. Hiwain
    ang mga para matanggal ang tinta.
2. Ilagay sa kaserola ang mga pusit, suka,
    bawang, asin at paminta.
3. Takpan ang kaserola at lutuin ang pusit sa
    mahinang apoy hanggang lumambot.
4. Hatiin sa dalawang bahagi ang mga lutong
    pusit.
5. Dikdikin ang natirang bawang at igisa sa
    kaunting mantika. Idagdag ang sibuyas at
    kamatis hanggang maluto.
6. Idagdag ang mga pusit at ang sabaw na
    pinaglagaan. Pakuluan ng 7 minuto.
7. Timplahan ng asin, paminta at betsin.

KINILAW NA TANIGUE




Mga Sangkap

80 grams tanique fillet
150 ml. suka para panghilamos sa isda
1 1/4 kutsara suka
1 pc. kalamansi
1/2 kutsara asukal
6 grams sibuyas, hiniwa
3 grams siling labuyo, putulin sa dalawa
8 grams labanos, hiniwa
1 grams sibuyas na mura, putulin
8 grams pipino, hiniwa
10 grams letsugas, nilinis
paminta
asin
Paraan ng Pagluto

1. Hilamusan ng suka ang isda. Patuluin.
2. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap
    sa isang malaking bowl, maliban sa letsugas.
3. Palamigin sa refrigirator para mababad.
4. Lagyan ng letsugas ang bandehadong
    palalagyan ng isda at ilagay ang tinimplang
    kinilaw.

Saturday, April 9, 2011

GINATAANG YILAPIA



Mga Sangkap

6 piraso tilapia, nilinis at kinaliskisan
4 ulo bawang, dinikdik
1 katamtamang sibuyas, hiniwa sa walo
1 siling pula, hiniwa
1 siling berde, hiniwa
1 maliit na luya, hiniwa
2 tasa gata
1 tasa suka
asin
Paraan ng Pagluto

1. Iayos ang mga isda at mga sangkap sa loob
    ng isdang kaserola.
2. Isalin ang suka at gata.
3. Pakuluan ng 5 minuto.
4. Idagdag ang sibuyas at siling pula at berde.
5. Timplahan ng asin.

ESCABECHE



Mga Sangkap

1/2 kilo bangus, kinaliskisan
1 sibuyas, hiniwang manipis
2 ulo bawang, tinadtad
2 kutsara, mantika
1/4 tasa suka
2 piraso siling pula, hiniwa
1/4 tasa suka
2 kutsara asukal
3/4 tasa tubig
2 kutsara patis
1 kutsara oyster sauce
1 kutsara betsin
asin at paminta
1 1/2 kutsara cornstarch tinunaw sa
1 tasa tubig
Paraan ng Pagluto

1. Iprito ang isda sa mahinang apoy hanggang
    maging mamula-mula. Itabi
2. Igisa ang bawang at sibuyas. Isunod ang lahat
    ng sangkap. Ihuli ang siling pula.
3. Kapag malapit nang mayapos ang pagluto,
    ihalo ang oyster sauce at betsin.
4. Idagdag ang asukal/suka at ang patis.
5. Ihain nang mainit.

PINASINIGAWANG LAPU-LAPU



Mga Sangkap

1 malaking lapu-lapu, kinaliskisan at nilinis
1 piraso luya, hiniwa
2 piraso sibuyas, hiniwa
1 kutsara paminta, buo
1 tasa katas ng kalamansi
1 kutsara asin
1 tasa lemon
Paraan ng Pagluto

1. Pasingawan ang lapu-lapu ng 30-45 minuto.
2. Lagyan ng palamiti.

TINOLA



Mga Sangkap

3 libra pitso ng manok, hiniwa ayon sa gustong laki
2 kutsara mantika
2 kutsara luya, hiniwang pahaba
1 ulo bawang, dinikdik
1 katamtamang sibuyas, hiniwa
2 kutsara patis
1 kutsara asin
5 tasa tubig
2 tasa hilaw na papaya, hiniwang pakuadrado
Paraan ng Pagluto

1. Magpakulo ng mantika sa isang kaserola sa
    katamtamang init. Igisa ang luya, bawang at
    sibuyas sa loob ng 1 minuto.
2. Idagdag ang manok at gisahin hanggang
    maging mamula-mula. Timplahan ng patis at
    asin.
3. Dagdagan ng tubig. Pakuluan ito sa mahinang
    apoy at hayaang lumambot ang manok.
4. Dagdagan ng papaya, iluto ng 5 minuto o
    hanggang lumambot ang papaya.
5. Takpan ang kaserola at alisin sa apoy.

Friday, April 8, 2011

SINAMPALUKAN



Mga Sankap

320 grams manok hiniwa ayon sa gustong laki.
1 ulo bawang, tinadtad
1 sibuyas, hiniwang maliliit
1 kutsara luya, hiniwang maliliit
2 kamatis, hiniwang maliliit
2 tasa tubig
1 tasa usbong ng sampalok
patis
mantika
Paraan ng Pagluto

1. Maglagay ng mantika sa kawali at painitin
2. Iprito sa mantika ang bawang, sibuyas, luya,
    kamatis at manok. Timplahan ng patis.
3. Dagdagan ng tubig at hayaang kumulu-kulo
    hanggang lumambot ang manok.
4. Takpan ang kawali at pakuluin ng 2 minuto.
    Idagdag ang usbong ng sampalok.
5. Ihain nang mainit.

CHICKEN ESTOFADO



Mga Sangkap

2 buong manok, hiwain ayon sa gustong laki
1 ulo ng bawang, dinikdik
6 pamminta buo
2 kutsara oregano
2 kutsara suka
1 kutsara katas ng kalamansi
1/2 tasa pasas
6 sibuyas maliliit, binalatan
2 piraso dahon ng laurel
2 tasa chicken stock
1/4 tasa white wine
1/2 tasa asukal
Paraan ng Pagluluto

1. Pagsama-samahin ang bawang, dinikdik na
    paminta, oregano, katas ng kalamansi at suka.
2. Ikuskos ang ginagawang panimpla sa manok.
3. Ilagay sa manok ang pasas, dahon ng laurel at
    sibuyas saka ilagay sa isang bowl. hayaan ito 
    sa refrigerator sa buong magdamag. 
4. Isalin sa isang kaserola ang manok at ang 
    pinagbabaran dito.
5. Isama ang sabaw ng manok at iluto sa medyo
    malakas na apoy sa 10 minuto.
6. Hinaan ang apoy at takpan sa loob ng 1 oras
    o hanggang lumambot ang manok.
7. Ihalo ang white wine at asukal at hayaang
    kumulu-kulo ng 30 minuto.

PRITONG MANOK



Mga Sangkap

1/2 kilo manok, hiniwa ayon sa gustong laki
3 tasa tubig
1 itlog binati
1 tasa arina
3 piraso kalamansi
2 kutsara patis
1/8 kutsarita paminta durog
Paraan ng Pagluto

1. Pagsama-samahin ang katas ng kalamansi,
    patis at manok. Pakuluan ng 5-7 minuto.
2. Ilagay sa isang malaking container at
    budburan ng paminta.
3. Magtimpla ng itlog at arina. Ilubog dito ang
    mga piraso ng manok.
4. Iprito ng nakalubog sa mantika.

PAKSIW NA PATA



Mga Sangkap

1 kilo pata
1/2 tasa suka
1 kutsarita bawang hiniwa
1/2 tasa toyo
1/2 tasa tubig
4 kutsarita asukal na pula
1 piraso bay leaf
10 pamintang buo
asin
Paraan ng Pagluluto

1. Linisin ang pata at hiwain ng ayon sa gustong
    laki.
2. Palambutin ang pata sa tinimplang suka,
    bawang, paminta at tubig.
3. Ilaga hanggang lumambot ang pata at
    dagdagan ng tubig kung kailangan.
4. Haluin para huwag manikit. Idagdag ang toyo
    at asukal
5. Pakuluin hanggang maluto. Timplahan ng asin
    ayon sa panlansa.

BINAGOONGAN




Mga Sankap

1 kilo laman ng baboy, hiniwa ayon sa gustong laki
1/4 tasa mantika
1/2 ulo bawang, dinikdik
1 sibuyas, hiniwang manipis
1 malaking kamatis, hiniwa
1/2 tasa bagoong alamang
1/2 tasa suka
2 tasa tubig
Paraan ng Pagluto

1. Iprito ang karne sa mainit na mantika. Igisa
    ang bawang, sibuyas at patatas kapag mapula
    na ang karne.
2. Idagdag ang iba pang sankap at hayaang
    kumulu-kulo hanggang lumambot.

ADOBO

Mga Sangkap

1 1/2 kilo karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado
   1/2 tasa toyo
8       butil ng bawang dinikdik
   1/2 tasa suka
2       kutsara oyster sauce
1       kutsara paminta

Paraan ng Pagluto

1. Pagsama-samahin sa isang kaserola ang karne kasama ang iba pang mga sangkap at ibabad ng 20-30 minuto.

2. Iluto sa mahinang apoy ng 45 minuto o hanggang lumambot ang karne. Haluin pamunsan-minsam. 

MENUDO

Mga Sangkap

1/2 kilo laman ng baboy, hiniwang pakuwadrado
1    tasa atay, hiniwang pakuwadrado
2    kutsara mantika
1    kutsara bawang, dinikdik
1    piraso sibuyas, hiniwang manipis
1    200g tomato sauce
1    piraso hahon ng laurel
1    tasa patatas, hiniwang pakuwadrado
1    tasa tubig
      asin at paminta

Paraan ng Pagluto

1. Igisa ang bawang, sibuyas at karne ng baboy hanggang lumambot.

2. Idagdag ang dahon ng laurel at tomato sauce, pasingawan ng 5 monotu.

3. Idagdag ang patatas, atay at 1 tasa ng tubig.

4. Pakuluan hanggang maluto ang mga patatas. Timplahan ayon sa panlasa.

INIHAW NA PORKCHOP

Mga Sangkap

1       kilo pork chop
1-2   bote barbecue sauce
1/3    tasa Worchestire sauce
1/2    tasa lemon juice
3/4    tasa asukal na pula
1/2    tasa asukal na puti

Paeaan Ng Pagluto

1. Magdamag na ibabad ang pork chop sa pinaghalong barbecue sauce, Worchestire sauce, lemon juice, asukal na pula at puti.

2. Ihawin ang pork chop sa mahinang apoy at bali-baligtarin habang pinapahiran ng natirang pinagbabaran ang magkabilang bahagi.

3. Ihain ng mainit.

EMBUTIDO

Mga Sangkap

1 kilo giniling na karne ng baboy
1 tasa carrots hiwain ng pino
1 tasa siling pula hiwain ng pino
1/2 tasa sibuyas hiwain ng pino
3 piraso chorizo de bilbao, hiniwang manipis
2 kutsara pickle relish
1 kutsarita asin
1 supot ng pan americano na ibinabad sa
1 378g. evaporated milk
2 itlog
1/2 tasa keso hiniwang manipis
1/2 tasa mantekilya

Paraan ng Pagluto

1. Pagsama-samahin sa isang malaking mangkok ang giniling na karne ng baboy, carrots, siling pula, sibuyas, chorizo de bilbao at pickles. Haluing mabuti.

2. Ihalo ang asin. Idagdag ang Pan Americano na ibinabad sa evaporated milk at itlog. Patuloy na haluin hanggang makagawa ng korteng pahaba.

3. Hiwaing parisukat ang isang aluminum foil at lagyan ng 1-1/2 tasa ng tinimplang karne sa foil. Singitan ng mga piraso ng keso at mantekilya ang karne bago ito pagulungin.

4. Pasingawan ng 45 minuto -1 oras. Tanggalin sa steamer at hayaang lumamig ng hanggang 15 minuto bago hiwain at ihain.

Thursday, April 7, 2011

Shrimp Potato Salad

I arrived home early today not because someone important is waiting for my acquaintance or I have a take home work that needs to be submitted the following day. The reason is simple but very enticing and compeling that made me cancel all apointments for the evening. My aunt from the Philippines arrived and she promised me that she'll be preparing the dish I've always craved for, below are the ingredients and how it is prepared: Hope you'll have a wonderful time reading this and maybe in your spare time serve tis sumptuous dish for your friends and family.


INGREDIENTS

1/2 kilo Shrimps (boiled and shelled or --- buy the frozen cooked peeled prawns --- blanch with salt under running tap water )
6 cups cubed cooked potatoes (about 500 grams. I cooked them whole before cutting them into cubes)
1 cup carrots 1cm diced (boiled for 5 minutes)
1 small can beetroot 450 grams
2 eggs (hard boiled) and cut into pieces
1 small can pineapple pieces 425 grams (possibly use half of juice)
1 cup Real or S&W Mayonnaise ( or use Reduced Fat Mayo)
1-2 tablespoon Pure Prepared Brown or American Mustard
1/2 cup sweet pickle relish
1 small apple diced in 1cm cubes (not too big)
1/4 cup (1 small) white onions, finely chopped
1/2 cup cheddar cheese, finely chopped
1/2 cup lychees finely chopped (optional)
salt and pepper to taste

DIRECTIONS

1. Mix mayo and mustard in large bowl.
2. Add potatoes, shrimps, celery, carrots, apple, cheese, beetroot, pineapple pieces, eggs and onions.
3. Mix lightly.
4. Season to taste with salt and pepper.
5. Refrigerate several hours or overnight.

CRISPY PATA



Mga Sangkap

 1 1/2 pata
1 kutsarita asin
1/2 kutsarita durog na paminta
1/4 kutsarita betsin
mantika
Paraan ng Pagluluto

1. Ilagay sa isang malaking kaserola ang pata.
    Hayaang nakalubog sa tubig. Pakuluin.
2. Timplahan ng asin, paminta at betsin. Takpang
     mabuti ang kaserola, hinaan ang apoy at
     hayaang kumulu-kulo hanggang lumambot ang
     karne. Patuluin ang karne.
3. Magpainit ng mantika sa isang malaking kawali
    hanggang halos umusok ito sa init. Ilubog sa
    mantika ang pata hanggang mamula ang balat
    at lumutong.

KARNE NORTE



Mga Sangkap

2 kutsara mantika
1 tasang karne norte
1 kutsaritang sibuyas(hiniwa ng pino)
1/2 tasang patatas
asin
Paraan ng Pagluluto

1. Paintin ang kawali. Magpakulo ng mantika.
    Igisa ang sibuyas at idagdag ang patatas.
2. Idagdag ang 1 tasang karne norte.

BULALO



Mga Sangkap

2 bias ng baka
20 tasa tubig
1 malaking sibuyas, hinati sa gitna
3 kutsay, hiniwang maliliit
10 tasa chicken broth
Paraan Pagluluto

1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap
    sa malaking kaldero at pakuluan. Alisin ang
    mga pumapaibabaw na latak ng buto.
2. Takpan ang kaldero at hayaang kumulo ng
    isang oras o hanngang maluto.

BEEF MECHADO



Mga Sangkap

2 kilo beef loaf
1/2 kilo taba ng baboy
1/4 kilo sibuyas buo, binalatan
2 puso bawang
1/2 tasa suka
2 kutsarita asin
1/2 kilo atsuete
Paraan ng Pagluto

1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap
    sa kaserola maliban sa atswete. Hayaang
    nakalubog ang karne sa tubig habang
    pinalalambot.
2. Ihiwalay ang karne sa pinagpakluan.
3. Tunawin ang taba ng baboy sa kawali at ihalo
    ang pinagpakuluan. Patuloy na haluin hanggang
    maging mamula-mula ang mantika. Itabi.
4. Lutuin sa mahinang apoy ang lahat ng mga
    sangkap. Panaka-nakang haluin hanggang
    mamla ang kulay ng karne
5. Hugasan ang aswete at patuluin. Iprito sa
    mantika. Ihalo ito at patuloyna pakuluan sa
    mahinang apoy hanggang maluto.

Wednesday, April 6, 2011

BISTEK TAGALOG



Mga Sangkap

100 ml mantika
200 grams atsara
200 grams letsugas
720 grams karneng baka lomo
50 grams bawang tinalupan
200 grams sibuyas hiniwang pabilog
150 ml toyo
200 grams katas ng kalamansi
2 grams buong paminta
Paraan ng Pagluto

1. Ibabad ang karneng baka sa dinurog na
    bawang, toyo at katas ng kalamansi.
2. Iprito ng katamtaman ang karneng baka bago
    hanguin sa kawali.
3. Isiga ang sibuyas ng malasado.
4. Idagdag ang toyo at katas ng kalamansi sa
    sibuyas at pakuluin hanggang lumapot.
5. Iayos ang piniritong karneng baka sa 
    bandehado.
6. Ibuhos ang sibuyas sauce sa karneng baka.
7. Ihain ng may atsara.

SINIGANG NA BAKA



Mga Sankap

1     kilo spare ribs hiniwa ayon sa gustong laki.
16   tasa tubig
1/2  kamatis hiniwa
1/2  tasa sibuyas hiniwa
1     tasa gabing Tagalog
3     piraso siling berde pansinigang
2     supot ng 25g  ng sinigang sa sampalok
1     kutsarang asin
Paraan ng Pagluluto

1. Pagsama-samahin ang spare ribs, tubig
    kamatis, sibuyas at asin. Hayaang kumulo sa
    mahinang apoy hanggang lumambot ang karne.
2. Idagdag ang gabi  hanggang lumambot.
    Dagdagan ng tubig kung kailangan.
3. Idagdag ang siling pangsigang.
4. Ihalo ang laman ng 2 pakete ng sinigang
    sa sampalok .
5. Timplahin ayon sa panlasa.

Monday, April 4, 2011

KARE-KARE

1 1/2 tasa buntot ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 1/2 tasa tuwalya ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1       kutsarita asin
6       tasa puso ng saging, hiniwang pahilis.
     1/2 pulgadang haba
3       tasa talong, hiniwang pahilis, 1 1 pulgada haba
1       tasa sitaw. 1 pulgada haba
3/4    tasa peanut butter
1       supot kare-kare mix
1/2    tasa bagoong alamang

Paraan ng Pagluto

1. Palambutin ang buntot at tuwalya ng baka sa 1 kutsaritang asin. Palambutin. Magtabi ng 3 tasa ng sabaw.
2. Unahing idagdag ang puso ng saging. Kapag medyo luto na ay isunod ang talong. Ihuli ang sitaw. Pakuluan
    ang mga gulay hanggang maluto.
3. Timplahan ng kare-kare mix. Haluing mabuti.
4. Idagdag ang peanut butter at pakuluan ng 2 minuto hanggang lumapot.
5. Ihain kasama ang ginisang bagoong na alamang.

KALDERETANG BAKA

Mga Sangkap

2 kutsara mantika
1 tasa patatas, hiniwang pakuwadrado
6 tasa baka hiniwa ayon sa gustong laki
1 tasa tubig
1 pakete calderata sauce
1 piraso siling pula, hiniwang pahaba
1/2 tasa gisantes

Paraan ng Pagluto

1. Magpainit ng mantika. Iprito ang patatas at itabi.
2. Iprito ang baka at papulahin. Dagdagan ng tubig at pakuluin hanggang lumambot.
3 Idagdag ang caldereta sauce, piniritong patatas at siling pula. Haluin hanggang lumambot ang mga gulay.
4 Idagdag anf gisantes bago hahguin.