Mga Sangkap
1 1/2 pata
1 kutsarita asin
1/2 kutsarita durog na paminta
1/4 kutsarita betsin
mantika
Paraan ng Pagluluto
1. Ilagay sa isang malaking kaserola ang pata.
Hayaang nakalubog sa tubig. Pakuluin.2. Timplahan ng asin, paminta at betsin. Takpang
mabuti ang kaserola, hinaan ang apoy at
hayaang kumulu-kulo hanggang lumambot ang
karne. Patuluin ang karne.
3. Magpainit ng mantika sa isang malaking kawali
hanggang halos umusok ito sa init. Ilubog sa
mantika ang pata hanggang mamula ang balat
at lumutong.
No comments:
Post a Comment