Friday, April 22, 2011

KINILAW NA TANIGUE




Mga Sangkap

80 grams tanique fillet
150 ml. suka para panghilamos sa isda
1 1/4 kutsara suka
1 pc. kalamansi
1/2 kutsara asukal
6 grams sibuyas, hiniwa
3 grams siling labuyo, putulin sa dalawa
8 grams labanos, hiniwa
1 grams sibuyas na mura, putulin
8 grams pipino, hiniwa
10 grams letsugas, nilinis
paminta
asin
Paraan ng Pagluto

1. Hilamusan ng suka ang isda. Patuluin.
2. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap
    sa isang malaking bowl, maliban sa letsugas.
3. Palamigin sa refrigirator para mababad.
4. Lagyan ng letsugas ang bandehadong
    palalagyan ng isda at ilagay ang tinimplang
    kinilaw.

No comments:

Post a Comment