Friday, April 8, 2011

CHICKEN ESTOFADO



Mga Sangkap

2 buong manok, hiwain ayon sa gustong laki
1 ulo ng bawang, dinikdik
6 pamminta buo
2 kutsara oregano
2 kutsara suka
1 kutsara katas ng kalamansi
1/2 tasa pasas
6 sibuyas maliliit, binalatan
2 piraso dahon ng laurel
2 tasa chicken stock
1/4 tasa white wine
1/2 tasa asukal
Paraan ng Pagluluto

1. Pagsama-samahin ang bawang, dinikdik na
    paminta, oregano, katas ng kalamansi at suka.
2. Ikuskos ang ginagawang panimpla sa manok.
3. Ilagay sa manok ang pasas, dahon ng laurel at
    sibuyas saka ilagay sa isang bowl. hayaan ito 
    sa refrigerator sa buong magdamag. 
4. Isalin sa isang kaserola ang manok at ang 
    pinagbabaran dito.
5. Isama ang sabaw ng manok at iluto sa medyo
    malakas na apoy sa 10 minuto.
6. Hinaan ang apoy at takpan sa loob ng 1 oras
    o hanggang lumambot ang manok.
7. Ihalo ang white wine at asukal at hayaang
    kumulu-kulo ng 30 minuto.

No comments:

Post a Comment