Friday, April 22, 2011

ADOBONG PUSIT




Mga Sangkap

1/2 kilo maliit na sariwang mga pusit
1/2 tasa suka
10 ulo bawang, dinikdik
asin at paminta
1 katamtamang kamatis, hiniwa
ekstrang asin at paminta para pampalasa
1 kutsara betsin
Paraan ng Pagluluto

1. Linising mabuti ang pusit. Alisin ang
    malansang bahagi nito na nasa ulo. Hiwain
    ang mga para matanggal ang tinta.
2. Ilagay sa kaserola ang mga pusit, suka,
    bawang, asin at paminta.
3. Takpan ang kaserola at lutuin ang pusit sa
    mahinang apoy hanggang lumambot.
4. Hatiin sa dalawang bahagi ang mga lutong
    pusit.
5. Dikdikin ang natirang bawang at igisa sa
    kaunting mantika. Idagdag ang sibuyas at
    kamatis hanggang maluto.
6. Idagdag ang mga pusit at ang sabaw na
    pinaglagaan. Pakuluan ng 7 minuto.
7. Timplahan ng asin, paminta at betsin.

No comments:

Post a Comment